|
||||||||
|
||
Pagpasok ng taong ito, magkakasunod na naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ilang lugar ng bansa na kinabibilangan ng lalawigang Yunnan, lunsod ng Wuhan, lalawigang Zhejiang, lalawigang Shaanxi, lalawigang Shanxi, at Rehiyong Awtonomo ng Ningxia.
Sa mga biyaheng ito, binigyang-halaga ni Xi ang iba't ibang suliraning may kinalaman sa mga mamamayan, na gaya ng pagpapataas ng kita ng mga magsasaka, pagdaragdag ng hanapbuhay, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mahihirap, pagsupil sa polusyon, pangangalaga sa kapaligiran, restorasyon ng ekolohiya, relokasyon ng mga mamamayan mula sa di-mainam na kondisyon, tungo sa pagkontento ng pangangailangang ispirituwal at kultural, paggarantiya sa kalusugan at kaligtasan ng buhay, pagpapabilis ng pag-unlad ng mga etnikong minorya, at iba pa.
Lahat ito ay batay sa ideyang "mamamayan muna."
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |