Ipinahayag kahapon, Linggo, ika-14 ng Hunyo 2020, ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan (NHC) ng Tsina, na pagkaraang lumitaw sa Beijing ang mga kaso ng COVID-19 na dulot ng lokal na pagkalat ng virus, ipinadala na ng komisyong ito ang grupo ng mga dalubhasa sa Beijing, bilang patnubay sa pagpapalakas ng mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol, para iwasan ang paghantong ng epidemiya sa malaking kapahamakan.
Sinabi ni Ma Xiaowei, Puno ng NHC, na sa kasalukuyan, mahigpit ang kalagayan ng epidemiya sa Beijing.
Dapat aniyang lubusang imbestigahan kung anu-ano ang sanhi ng lokal na pagkalat ng virus, putulin ang tsanel ng pagkalat, at pigilin ang paglawak ng epidemiya.
Hiniling din ni Ma sa iba't ibang lugar ng buong Tsina, na huwag paluwagin ang mga hakbangin laban sa COVID-19.
Salin: Liu Kai