Itinaas nitong Hunyo 16, 2020 ng Beijing ang COVID-19 Emergency Response mula Level 3 sa Level 2. Ito'y ayon kay Chen Bei, Pangalawang Kalihim ng Lokal na Pamahalaan ng Beijing.
Ipinahayag din ni Wang Hong Cun, opisyal ng Beijing Municipal Commerce Bureau na sa kasalukuyan, mabilis na pinanunumbalik ang maayos na pagsuplay ng gulay sa mga pamilihan ng Beijing. Matatag sa kasalukuyan ang suplay ng mga gulay at maalwan ang mga supply channels sa lunsod.
Sinabi din ni Wang na sa susunod na yugto, patuloy na isasagawa ng mga departamentong komersyal ng Beijing ang mga mabisang patakaran para igarantiya ang suplay sa mga pamilihan ng mga pangangailangan ng mga mamamayan sa araw-araw.
Salin:Sarah