Sinabi ng media ng Amerika na sa kalagayang pinipigilan ng pandemiya ng COVID-19 ang komersyong pandaigdig, ang Tsina ay naging isang tampok para sa mga magsasaka at ibang tagapagluwas ng Amerika.
Ayon sa ulat na inilabas nitong Linggo, Hunyo 14, 2020 sa website ng Wall Street Journal, lumago sa 39.7 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Amerika noong Abril, at halos 43% ang paglaki nito kumpara noong Marso. Ang datos na ito ay muling lumampas sa halaga ng kalakalan ng Amerika sa Mexico at Kanada.
Anang ulat, ayon sa resulta ng pinakahuling pagtaya ng World Bank, ang Tsina ay nananatili pa ring tanging pangunahing economiya sa daigdig na posibleng magpakita ng positibong paglago.
Salin: Vera