Sa panayam ngayong araw, Huwebes, ika-18 ng Hunyo 2020, sa China Global Television Network, sinabi ni Timothy Kerswell, Propesor sa University of Macao, na ang pagsasabatas ng Amerika sa Uygur Human Rights Policy Act of 2020 ay pakikialam sa isyu ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, na suliraning panloob ng Tsina.
Pinuna rin niya ang mga politikong Amerikano, na nagtatangkang lumikha ng kaguluhan sa ibang bansa, sa halip na ituon ang pansin sa paglutas sa sariling mga isyung gaya ng epidemiya ng COVID-19, protestang dulot ng diskriminasyong panlahi, at iba pa.
Tunghayan ang video na ito para sa detalyadong kuro-kuro ni Ginoong Kerswell.
Salin: Liu Kai