|
||||||||
|
||
Tinukoy ni Xi, na idinudulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang malaking banta sa buhay ng mga mamamayan mula sa iba't ibang bansa, at grabe rin ang negatibong epekto nito sa takbo ng kabuhayan at lipunan ng daigdig.
Nakahanda aniya ang Tsina, na magbigay ng ambag para sa pagpuksa ng pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhayan sa buong daigdig.
Sinabi rin ni Xi, na sa harap ng pandemiya, ang buong sangkatauhan ay isang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran at kinabukasan.
Aniya, ang mga ideyang isinusulong ng BRI na gaya ng pagkakaisa't pagtutulungan, multilateralismo, konektibidad, at pagiging bukas't inklusibo, ay mahalaga para sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon at pagsasakatuparan ng pangmatagalang pag-unlad.
Sa pagtataguyod ng Tsina, layon ng naturang video conference na palakasin ang kooperasyong pandaigdig ng BRI laban sa COVID-19.
Kalahok dito ang mga opisyal ng 25 bansa at mga organisasyong pandaigdig na gaya ng World Health Organization at United Nations Development Programme.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |