Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, makikipagtagpo sa mga lider ng EU sa pamamagitan ng video link

(GMT+08:00) 2020-06-20 09:02:06       CRI
Sa pamamagitan ng video link, nakatakdang makipagtagpo sa darating na Lunes, ika-22 ng Hunyo 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina Charles Michel, Pangulo ng European Council, at Ursula von der Leyen, Pangulo ng European Commission.

Ito ang ipinatalastas kahapon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Ayon pa rin kay Zhao, sa Hunyo 22, idaraos din ni Premyer Li Keqiang ng Tsina at nabanggit na dalawang lider ng Unyong Europeo (EU) ang ika-22 China-EU Summit, sa pamamagitan ng video link.

Isinalaysay ni Zhao, na ang mga pangunahing paksa ng summit ay kooperasyon ng Tsina at EU sa paglaban sa COVID-19 pandemiya at pagbangon ng kabuhayan, at kooperasyon sa mga regular na aspektong gaya ng kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, inobasyon, pagharap sa pagbabago ng klima, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>