Ayon sa pinakahuling ulat ng Munisipal na Komisyong Pangkalusugan ng Beijing, naitala nitong Biyernes, ika-19 ng Hunyo 2020, sa lunsod ang 22 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19, at ang lahat ng mga ito ay may kinalaman sa Xinfadi Market, kung saan nagsimula ang kasalukuyang cluster outbreak.
Kasalukuyan umabot na sa 205 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso na naitala sa Beijing mula noong Hunyo 11.
Samantala, sinabi kahapon ni Zhang Yong, assistant director ng Institute of Viral Diseases sa Center for Disease Control and Prevention ng Tsina, na batay sa inisyal na resulta ng pananaliksik sa gene sequence data ng COVID-19 virus mula sa Xinfadi Market, malapit ang virus sa strain na kumakalat sa Europa.
Pero, sinabi rin ni Zhang, na kinakailangan ang mas marami pang data at pagsusuri, para marating ang kumpirmadong konklusyon tungkol sa pinagmulan ng kasalukuyang virus sa Beijing, at kung kailan at paanong kumalat ito sa lunsod.
Salin: Liu Kai