|
||||||||
|
||
Mga masusing kapasiyahan sa paglaban sa COVID-19
Episode 5 Pagtatangol ng Wuhan
Ang lalawigang Hubei, lalung-lalo na ang punong lunsod nito na Wuhan, kung saan unang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ay nasa pinakamataas na priyoridad ng paglaban ng Tsina sa epidemiya.
Ini-utos ni Pangulong Xi Jinping, na buong lakas na labanan ang COVID-19 sa Wuhan, para iligtas ang mga lokal na mamamayan at pigilin ang pagkalat ng virus sa labas. Ito ay tinawag niyang "pagtatanggol ng Wuhan."
Batay sa kautusan ni Pangulong Xi, ibinuhos ng mga lokal na mamamayan at lahat ng mga puwersang tumulong mula sa ibang mga lugar ng Tsina ang pinakamalaking pagsisikap sa paglaban sa COVID-19 sa Wuhan. Sa pamamagitan nito, matagumpay na nakontrol ang epidemiya sa lunsod na ito.
Tunghayan ang episode na ito, para sa higit pang detalye.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |