Ipinatalastas kahapon, Linggo, ika-21 ng Hunyo 2020, ng pulis kontra-terorismo ng Britanya, na teroristikong pag-atake ang insidente ng pananaksak na naganap nitong Sabado ng gabi sa Reading, katimugan ng bansang ito.
Tatlo katao ang nasawi, at 3 iba pa ang nasugatan sa naturang pag-atake.
Ayon sa ulat ng British Broadcasting Corporation, dinakip ng pulisya ang 25-taong gulang na lalaking isang suspek na nagngangalang Khairi Saadallah na taga-Libya.
Sa kasalukuyan, inilipat na ang kaso sa kamay ng mga pulis kontra-terorismo, para imbestigahan ang motibo ng may-kagagawan.
Salin: Liu Kai