|
||||||||
|
||
Hanggang mula Hunyo 21, 2020, naganap ang mahigit 130 lindol sa lugar na malapit sa Bulkang Kanlaon, sa lalawigang Negros Occidental, Pilipinas.
Dahil dito, itinaas ngayong araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Babala Bilang 1 at sinabi nitong dapat mahigpit na subaybayan ang aktibidad ng nasabing bulkan.
Dagdag pa rito, inilagay na ng lokal na pamahalaan ang 4-km radius na danger zone, at ipinagbawal ang pagpasok ng sinuman sa sonang ito.
Mahigpit na sinusubaybayan ng PHIVOLCS ang bulkang ito para agarang ipaalam ang anumang pagbabago.
Ang Bulkang Kanlaon ang pinakamataas na lugar sa Negros Island, na may 2,465 meters na elevation.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |