|
||||||||
|
||
Matagumpay na inilunsad ngayong umaga, Martes, ika-22 ng Hunyo 2020, ng Tsina ang huling satellite ng BeiDou Navigation Satellite System (BDS).
Nangangahulugan itong nakumpleto na ng Tsina ang sariling idinebelop na global navigation network, na isa sa 4 na katulad na network sa daigdig, kasama ang GPS ng Amerika, GLONASS ng Rusya, at Galileo ng European Union.
Sa susunod na yugto, susubukin naman ng Tsina ang operasyon ng buong BeiDou system. Pagkaraang maging matatag, maaasahan, at mahusay ang takbo ng sistema, magkakaloob ang Tsina ng serbisyo sa buong mundo.
Noong 1994, sinimulan ng Tsina ang konstruksyon ng BeiDou Navigation Satellite System, sa pamamagitan ng 3 yugto. Nailunsad ang 4 na experimental satellite sa unang yugto, at 55 satellites sa ikalawa at ikatlong yugto.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |