Inilabas kahapon, Lunes, ika-22 ng Hunyo 2020, sa Geneva, Switzerland, ng International Trade Center (ITC) ang SME Competitiveness Outlook 2020. Ang tema ng ulat sa taong ito ay mga epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga maliit na negosyo, international supply chain at kalakalan.
Ayon sa ulat, bilang pangunahing bahagi ng international supply chain, pinakamalaki ang epekto sa kalakalan na dulot ng lockdown sa Tsina, Unyong Europeo at Amerika. Samantala, dahil sa pandemiya, mawawalan ang Aprika ng mahigit 2.4 bilyong Dolyares sa aspekto ng pagluluwas.
Tinukoy ng ulat, na batay sa survey, nararanasan ng mahigit 55% ng mga kompanya ang malubhang epektong dulot ng COVID-19 pandemiya. Samantala, sinabi ng sangkalima ng mga maliit at katamtamang laking kompanya, na kung hindi sila mananatiling bukas sa loob ng darating na 3 buwan, malamang ay permanente na silang magsasara.
Iniharap din ng ulat, na ang kakayahang indahin ang pagsubok, pagiging digital, inklusibo at sustenable ay paraan para makaligtas sa kasalukuyang krisis.
Salin: Liu Kai