|
||||||||
|
||
Ipinalabas Hunyo 22, 2020 sa opisyal ng website ng Sky News ng Britanya ang artikulo na nagsasabing mabagal ang pag-aaral at paggamit ng Britanya ng karanasan ng Tsina sa unang round na epidemiya ng COVID-19. Sa mga darating pang epidemiya, dapat hindi muling gawin ng Britanya ang pare-parehong kamalian.
Sinabi ng artikulo na may maraming mahalagang aral para sa Britanya mula sa reaksyon ng Beijing sa pagharap ng epidemiya. "Ang kabilisan ay susi. Umiiral ito bawat bahagi ng buong proseso ng paglaban sa epidemiya. Walang pag-aalangang sinara ng Beijing ang mga paaralan, at isinagawa ang limitasyon sa gyms, bars at ibang arena." ayon sa artikulo.
"Bukod dito, kung di-marami ang mga kumpirmadong kaso, di-kailangan ang paggamit ng malaking saklaw na pasilidad ng paglaban sa epidemiya. Pero kung lumitaw ang epidemiya, dapat handa ang pamahalaan para sa mabilis na pagpapalawak ng mga hakbangin. Itinatag sa Beijing ang 26 sentro ng nucleic acid testing sa loob ng 2 linggong nakaraan, at mayroon itong kakayahan na gawain ang 230 libong nucleic acid testing bawat araw. Hanggang ngayon, tinanggap ng 2.3 milyong mamamayan ang nucleic acid testing . Isinagawa din ng Beijing ang contact tracing, sinusubaybayan din ang ilang daang libong tao."pahayag pa ng artikulo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |