Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Hunyo 2020, ng tagapagsalita ng European Commission, na magdadala ng di-mabuting epekto ang karagdagang taripang binabalak na ipataw ng Amerika sa mga paninda mula sa ilang bansang Europeo na nagkakahalaga ng 3.1 bilyong Dolyares.
Dagdag ng nabanggit na tagapagsalita, lilikha ito ng kawalang-katatagan sa mga kompanya, at magdudulot ng kapinsalaang pangkabuhayan sa kapwa panig.
Nauna rito, inilabas ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang plano tungkol sa pagdaragdag ng taripa sa mga panindang aangkatin mula sa Britanya, Espanya, Alemanya, at Pransya.
Layon nitong magpataw ng presyur sa panig Europeo kaugnay ng bagong round ng alitang pangkalakalan ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai