|
||||||||
|
||
Kumpara sa listahan noong nagdaang taon, ibayo pang pinaikli ang bagong listahan, at pinalawak ang pagbubukas sa mga sektor ng serbisyo, manupaktura, agrikultura, at iba pa.
Ayon sa bagong listahan, sa mga pilot free trade zone ng Tsina, 30 aytem ang may restriksyon sa mga mamumuhunang dayuhan, na mas mababa kaysa 37 noong isang taon.
Samantala, sa ibang mga lugar ng bansa, ang bilang ng mga aytem na may restriksyon ay bumaba sa 33 mula sa 40 noong 2019.
Ayon pa rin sa nabanggit na dalawang departamento, pormal na ipapatupad ang bagong listahan sa ika-23 ng darating na buwan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |