|
||||||||
|
||
Ayon sa panig Amerikano, ang lehislasyon tungkol sa pambansang seguridad sa Hong Kong ay isa sa mga dahilan kung bakit ginawa nila ang nabanggit na desisyon.
Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng panig Tsino, na ang lehislasyong ito ay kabilang sa karapatan at responsibilidad ng Tsina, at angkop ito sa pandaigdig na norma.
Dagdag niya, ang lehislasyon ay nakatuon lamang sa mga aksyong malubhang makapipinsala sa pambansang seguridad, at mahalaga ito para sa pagpapatupad ng "Isang Bansa Dalawang Sistema," at pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Sinabi rin ng tagapagsalita, na pagkaraang bumalik sa inangbayan ang Hong Kong, ang batayang pambatas ng pamamahala ng sentral na pamahalaang Tsino sa Hong Kong ay ang Konstitusyon ng Tsina at Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, sa halip ng Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya.
Ang pagsipi ng panig Amerikano ng pahayag na ito, para ilabas ang mga iresponsableng pananalita tungkol sa mga suliranin ng Hong Kong, ay walang batayan at imbalido, diin ng tagapagsalita.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |