Sinabi kahapon, Biyernes, ika-26 ng Hunyo 2020, ni Anthony Fauci, Director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases ng Amerika, na dahil sa maagang pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhayan at hindi pagtalima ng mga tao sa mga tuntunin laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), muling lumalala ang epidemiya sa ilang lugar ng Amerika.
Binalaan din ni Fauci, na kung hindi lubos na makokontrol ang epidemiya, muling kakalat ang virus sa mga estado ng Amerika, kung saan bumababa ngayon ang bilang ng mga nahawahan.
Nauna rito, sinabi naman sa media ni Bill Gates, co-founder ng Microsoft, na kung ihahambing sa ilang bansang Asyano, hindi maganda ang pagpapatupad ng pamahalaang Amerikano ng mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, na gaya ng pagsasagawa ng virus test, paghahanap ng mga close contact, at iba pa.
Salin: Liu Kai