Ipinahayag kamakailan ng ilang eksperto sa isyung pandaigdig mula sa Thailand, Kazakhstan, Pakistan, at ibang bansa, na ang lehislasyon tungkol sa pambansang seguridad sa Hong Kong ay kabilang sa suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatan ang anumang ibang bansang makialam sa isyung ito.
Ipinalalagay din ng mga eksperto, na ang lehislasyong ito ay tugon sa mga nangyaring karahasan sa Hong Kong nitong isang taong nakalipas, at dapat gawin ng Tsina ang lehislasyon para pangalagaan ang pambansang seguridad.
Anila, ang pagbatikos ng ilang bansang kinabibilangan ng Amerika sa Tsina kaugnay ng lehislasyong ito, ay nagpapakita ng "double standard" ng mga bansang ito sa isyu tungkol sa pambansang seguridad.
Salin: Liu Kai