|
||||||||
|
||
Samantala, sa mahigit 60% ng mga estado ng Amerika, ang bilang ng mga bagong kaso noong isang linggo ay mas malaki kaysa nakaraang linggo.
Kaugnay nito, inilabas kamakailan ng ilang opisyal Amerikano ang babala tungkol sa muling paglala ng epidemiya sa bansa.
Sinabi ni Alex Azar, Kalihim ng Kalusugan ng Amerika, na malapit nang mawala sa kontrol sa epidemiya sa bansa.
Nanawagan siya sa bawat tao na isagawa ang responsableng aksyon ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, na gaya ng pagpapatupad ng social distancing, pagsusuot ng maskara, at iba pa.
Sinabi naman ni Andrew Cuomo, Goberador ng New York State, na sa harap ng kalagayang ito, dapat muling isaalang-alang kung isasagawa o hindi ang pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhayan.
Ayon naman kay Tom Frieden, dating Direktor ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention, kumakalat pa rin ang coronavirus sa Amerika, at sa loob ng darating na ilang linggo, patuloy na lalala ang kalagayan ng epidemiya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |