|
||||||||
|
||
Si Qi Qianhui ay kilalang TV host sa Ulanhot, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang kanluran ng Tsina.
Bilang miyembro ng Partido Komunista ng Tsina, itinalaga siya noong Agosto 2018 bilang namamahalang tauhan sa pagbibigay-tulong sa mga maralita sa nayon ng Yaolegacha sa rehiyong awtonomong ito.
Responsibilidad niyang tumulong sa mga gawain ng pagpawi ng kahirapan sa nayon, sa pamamagitan ng kanyang bukas na ideya.
Habang nanunungkulan sa Yaolegacha, pansamantalang itinakwil ni Qi ang maginhawang istilo ng pamumuhay sa lunsod.
Siya ay nagsasalita at kumikilos na parang lokal na mamamayan ng nayon.
Araw-araw, bumibisita siya sa mga kabahayan at nakikipag-usap sa mga mamamayan, para malaman ang kani-kanilang mga kahirapan sa pamumuhay at trabaho.
Sa tulong ni Qi, naibebenta na ngayon ng mga taga-nayon ang mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng E-commerce at social network.
Sa pamamagitan nito, naragdagan ang kanilang kita.
Batay din sa karanasan sa trabaho at relasyon sa sirkulo ng sining, madalas na inanyayahan ni Qi ang mga kaibigang alagad ng sining, at ini-organisa ang mga pagtatanghal, para payamanin ang pamumuhay na pangkultura ng mga taga-nayon.
Sa kasalukuyan, malapit nang matapos ang 2-taong termino ni Qi sa Yaolegacha.
Sa halos dalawang taon dito, napalayo siya sa pamilya sa lunsod, at paminsan-minsang nagiging homesick.
Pero, ikinatutuwa niyang makitang nakahulagpos sa kahirapan ang mga taga-nayon.
Sa loob ng nalalabing mahigit isang buwang tungkulin, umaasa si Qi, na madaragdagan pa ang kita ng mga taga-nayon.
Ililipat din niya ang mga natamong karanasan sa kanyang kahalili, para siya ay maging mahusay din sa pagbibigay-tulong sa mga mahirap sa Yaolegacha.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |