Sa kanyang talumpating inilabas kagabi, Martes, ika-30 ng Hunyo 2020, ipinatalastas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, ang bagong kautusan hinggil sa community quarantine sa buong bansa simula Hulyo 1 hanggang Hulyo 15.
Ayon kay Duterte, ang Cebu City ay siyang tanging lugar sa Pilipinas na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown, dahil pinakagrabe ngayon ang epidemiya sa lunsod na ito.
Samantala, nasa General Community Quarantine (GCQ) naman ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon at Visayas, at ang ibang mga lugar ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ), batay sa utos ni Duterte.
Salin: Liu Kai