|
||||||||
|
||
Hulyo 1 2020, ay ika-99 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ang CPC ay itinatag noong 1921 ng mahigit 50 tauhang naniniwala sa ideolohiya ng komunismo. Sa kasalukuyan, mahigit 90 milyon ang mga miyembro nito.
Sa loob ng 99-taong kasaysayan ng partido, at 71-taong pananatili sa kapangyarihan ng Republika ng Bayan ng Tsina, laging nagsisikap ang CPC para magdulot ng maligayang pamumuhay sa mga mamamayan, at magbigay ng ambag sa buong daigdig.
Reporma at pagbubukas sa labas
Noong Nobyembre 1978, sa Nayong Xiaogang sa silangang bahagi ng Tsina, sinubok ng CPC ang patakarang reporma at pagbubukas sa labas, kung saan maaaring malayang isagawa ng mga mamamayan ang mga aktibidad na pangkabuhayan, at buksan ang kanilang lugar para sa negosyo sa labas, para sa ikabubuhay.
Hindi nagtagal, pinalaganap ang patakarang ito sa iba't ibang lugar ng Tsina, at pinaiiral hanggang sa kasalukuyan. Nagdudulot ito ng malaking pagbabago, hindi lamang sa pamumuhay ng mga Tsino, kundi rin sa buong bansang Tsina.
Pakikibaka sa karalitaan
Ang pakikibaka sa karalitaan ay gawaing ibinubuhos ng CPC ang malaking pagsisikap. Mula noong huling dako ng 1970s hanggang sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng iba't ibang hakbangin ng pagbibigay-tulong sa mahihirap na isinasagawa ng CPC, mahigit 700 milyong Tsino ang nakahulagpos sa kahirapan.
Sa Nayong Xiaogang, noong nakaraan, dahil sa karalitaan, nag-aral ang mga bata sa loob ng silid-aralan na walang mesa. Sa kasalukuyan, ang mga estudyante roon ay nagkakaroon ng modernong gusaling-aralan at malaking sports field.
Mamamayan muna
Pagpasok ng taong ito, ang epidemiya ng COVID-19 ay naging banta sa kalusugan at kaligtasan ng buhay ng mga Tsino. Batay sa ideyang "mamamayan muna," inilunsad ng CPC ang buong lakas na pakikibaka laban sa virus.
Ayon sa estadistika, ibinuwis ng halos 30 milyong miyembro ng CPC ang kani-kanilang buhay sa unang hanay ng paglaban sa COVID-19. Kabilang dito, 396 ang nasawi habang nagtatrabaho sa frontline, at 2337 naman ang nahawahan ng sakit.
BRI, ambag sa buong mundo
Sinabi minsan ng ilang lider ng CPC na sina Mao Zedong, Deng Xiaoping, at Xi Jinping, na sa pamumuno ng CPC, maaring magbigay ng ambag ang Tsina sa mga mamamayan ng buong mundo. Batay sa hangaring ito, iniharap ni Xi Jinping ang Belt and Road Initiative (BRI).
Makakatulong ang BRI sa pagpapalakas ng iba't ibang bansa ng kooperasyon para sa pagdaragdag ng kalakalan, pagtatayo ng imprastruktura, pagpapaunlad ng industriya, pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga mamamayan, at iba pa.
Halimbawa, hanggang noong Marso 2019, sa pamamagitan ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa, naitayo ang 82 joint industrial park sa mga bansang kalahok sa BRI. Lumikha ang naturang mga industrial park ng halos 300 libong hanapbuhay sa mga bansang ito, at nadagdagan ng 2 bilyong Dolyares ang kita ng mga lokal na mamamayan.
Pangangalaga sa ekolohiya
Habang pinapaunlad ang kabuhayan, binibigyang-halaga rin ng CPC ang maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan. Iniharap ng mga lider ng CPC na kinabibilangan ni Xi Jinping ang maraming kahilingan sa pangangalaga sa ekolohiya.
Isang halimbawa ay sa pamamagitan ng mahigit kalahating siglong pagsisikap, itinanim ng mga Tsino sa isang lugar na dating disyerto ang pinakamalawak na artipisyal na kagubatan sa daigdig na may saklaw ng 74.7 bilong hektarya.
Ayon naman sa National Aeronautics and Space Administration ng Amerika, nitong 20 taong nakalipas, ang pagsisikap ng sangkatauhan ay lumikha ng luntiang mundo, at ang Tsina ay nagbigay ng malaking ambag dito.
Pangangasiwa ng partido
Bilang partidong naglilingkod sa mga mamamayan, laging nagpopokus ang CPC sa mahigpit na pangangasiwa ng partido.
Lalung-lalo na, sapul nang manungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, iniharap ni Xi Jinping, na dapat parusahan ang kapwa mga "tigre" at "langaw." Ang tigre ay tumutukoy sa mga mataas na opisyal ng partido na may mga grabeng problemang gaya ng katiwalian. Ang langaw naman ay mga karaniwang opisyal na hindi mahusay na tumupad ng tungkulin para sa mga mamamayan.
Ang mahigpit na pangangasiwa ng CPC ng partido ay hindi lamang mainit na tinatanggap ng mga Tsino, kundi rin hinahangaan ng media ng ibang bansa. Sinabi nilang, sa pamamagitan nito, maaaring mas mabuting maglingkod ang CPC sa mga mamamayan, at mas matatag na sumulong ang partido mismo.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |