Kasabay ng opisyal na pagpapatupad ng National Security Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), sunud-sunod na ipinahayag kamakailan ng mga dalubhasa at iskolar mula sa Rusya, Italy, Brazil at ibang bansa, na ang pagtatakda at pagpapatulad ng National Security Law ng HKSAR ay tumpak na paraan ng Tsina para mapangalagaan ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa; at mayroon itong napakahalagang katuturan para sa pangmalayuang katatagan at kasaganaan ng Hong Kong.
Salin:Sarah