![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sinabi ni Cui, na layon ng batas na magkaloob ng institusyonal na garantiya sa pagpapatupad ng "Isang Bansa Dalawang Sistema" sa Hong Kong.
Ang batas aniya ay nakatuon lamang sa 4 na uri ng krimeng kinabibilangan ng paghihiwalay ng bansa, pagpapabagsak ng kapangyarihan, mga aktibidad panterorismo, at pakikipagsabwatan sa ibang bansa o dayuhang puwersa sa pagbabanta sa pambansang seguridad.
Ipinalalagay ni Cui, na ang batas ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng kaayusan sa Hong Kong.
Ito aniya ay makakabuti sa interes ng lahat ng mga tao sa rehiyong ito, na kinabibilangan ng mahigit 7 milyong taga-Hong Kong, at mahigit 80 libong Amerikano sa Hong Kong.
Umaasa rin aniya si Cui, na buong taimtim na babasahin ng mga tao ang buong teksto ng batas ng pambansang seguridad ng Hong Kong, para hindi sila magkaroon ng maling pagkaunawa o maapektuhan ng mga maling impormasyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |