|
||||||||
|
||
Inilabas kahapon, Sabado, ika-4 ng Hulyo 2020, ng China Central Television (CCTV) ang isang feature video tungkol sa naganap na kaguluhan sa Hong Kong nitong mahigit isang taong nakalipas.
Sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga tauhan mula sa iba't ibang sektor ng lipunan, na gaya ng mambabatas ng Hong Kong, mga pulis ng Hong Kong, karaniwang residente sa Hong Kong, estudyanteng Tsino sa ibang bansa, dayuhang video creator, at iba pa, isinalaysay ng nabanggit na video ang iba't-ibang mamamayan, para tutulan ang kaguluhan sa Hong Kong at pangalagaan ang katahimikan sa rehiyong ito.
Narito ang ilang tampok na personahe sa nasabing feature video.
Si Li Ji, guro ng isang paaralang elementarya sa Hong Kong
Kinanta niya ang pambansang awit ng Tsina, sa harap ng mga nagra-rayot at gumagawa ng ilegal na protesta sa isang shopping mall sa Hong Kong.
Si Junius Ho, miyembro ng Legislative Council ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR)
Dahil sa kanyang pagsuporta sa pamahalaan ng HKSAR at pagtutol sa mga marahas na aktibidad, sinaksak siya ng isang rioter na nagkunwaring isang tagahanga.
Si Ban Yalun, estudyanteng Tsino na nag-aaral sa Alemanya
Sa isang protestang naganap noong Nobyembre 2019 sa Cologne, Alemanya, na ini-organisa ng puwersang naninindigan ng "pagsasarili ng Hong Kong," nakipagdebate si Ban sa mga demonstrador, para kondenahin ang kanilang maling kuru-kuro at palaganapin ang mga totoong impormasyon tungkol sa Hong Kong.
Si Nathan Rich, Amerikanong video creator
Ginawa niya ang mga video at ini-upload sa Youtube tungkol sa mga katotohanan sa Hong Kong. Sinabi niyang, layon nitong ibigay ang ambag sa kapayapaan ng Hong Kong at pawiin ang mga maling pagkaunawa tungkol sa Tsina.
Mga pulis ng Hong Kong
Sa harap ng mga panganib na dinulot ng mga rioter, at maling pagkaunawang nilikha ng mga iresponsableng media, buong lakas at buong tapat na isinasabalikat ng mga pulis ng Hong Kong ang kanilang tungkulin upang pigilan ang kaguluhan at pangangalagaan ang katiwasayan.
Mga pamilya ng mga pulis ng Hong Kong
Sa harap ng mga bantang personal na inilabas ng mga rioter, natakot ang mga pamilya ng mga pulis ng Hong Kong. Pero, hindi sila umurong, at buong tatag silang tumayo sa likod ng kani-kanilang kapamilyang pulis.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |