Idinaos ngayong umaga, Miyerkules, ika-8 ng Hulyo 2020, sa Hong Kong ang inagurasyon ng tanggapan para sa pangangalaga sa pambansang seguridad ng pamahalaang sentral ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Adminstratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ang tanggapang ito na pinamumunuan ni Direktor Zheng Yanxiong, ay naitatag batay sa bagong batas sa pambansang seguridad ng Hong Kong.
Responsibilidad nitong pangasiwaan, patnubayan, mag-ugma at suportahan ang HKSAR sa pagpapatupad ng tungkulin ng pangangalaga sa pambansang seguridad.
Salin: Liu Kai