Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karanasan ng Beijing, magbubukas ng isipan ng sangkatauhan sa pagkontrol sa epidemiya

(GMT+08:00) 2020-07-08 16:51:57       CRI

Ipinatalastas Hulyo 7, 2020 ng Beijing na sa loob ng 24 oras mula hating-gabi ng Hulyo 6 wala anumang kumpirmadong kaso o pinaghihinalaang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod. Ito'y nangangahulugang nagbunga na ang mga hakbangin ng Beijing sa paglaban sa outbreak ng COVID-19 kamakailan.

Ang outbreak ng epidemiya ng COVID-19 sa Beijing noong nakaraang buwan ay nakakuha ng pansin ng iba't ibang sirkulo. Sa artikulo ng China Daily, ipinalalagay nina Asit K. Biswas, Propesor ng University of Glasgow ng Britanya, at Hong Yingyuan, Chief Executive Officer ng Taylor & Francis Group, dalawang may-akda ng artikulong ito, na sa harap ng epidemiyang ito, isinagawa ng Beijing ang mabilis, malakas at mahigpit na hakbangin para igarantiya ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Isinagawa din ng Beijing ang malawakang nucleic acid testing. Sa komentaryo ng New York Times, itinuturing ito bilang susi ng matagumpay na pagkontrol sa epidemiya.

Sa ulat noong Hunyo 29, ipinalalagay ng Cable News Network o CNN na, "Sa kasalukuyan, tila nagtagumpay na ang pagsisikap ng Beijing sa pagkontrol sa epidemiya. Kinumpirma muli nito ang bisa ng lockdown, social distancing, pasusuot ng mask at malawakang nucleic acid testing." Maaaring sabihing naibahagi ng Beijing ang karanasang magbubukas ng isipan ng sangkatauhan sa pagkontrol sa epidemiya.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>