Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amerika, pormal na umalis sa WHO

(GMT+08:00) 2020-07-08 15:31:12       CRI

Ayon sa ulat ng maraming American media na gaya ng pahayagang "The Hill," kinumpirma nitong Martes, Hulyo 7, 2020 ni Robert Menendez, Miyembro ng United States Senate Committee on Foreign Relations, na pormal na umalis sa World Health Organization (WHO) ang Amerika.

Nag-post siya sa social media na nagsasabing natanggap ng kongreso ang balita na sa panahon ng pandemiya, nagpasya ang Pangulong Amerikano na umalis ang bansa bilang miyembro ng WHO.

Ang nasabing balita ay nagbigay-wakas sa ilang buwang pagbabanta ng pamahalaan ni Donald Trump sa pagtalikod sa WHO.

Nagbabala ang ilang dalubhasa sa kalusugang pampubliko at democrats na ang kapasyahang ito ay maikling pagtanaw sa kinabukasan. Hindi lamang ito magpapahina sa komong pagsisikap ng daigdig sa pagpigil sa pandemiya, hindi rin ito makakabuti sa pagpuksa sa pandemiya sa loob ng Amerika.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>