Hulyo 8, 2020, ihinabla ng Harvard University at Massachusetts Institute of Technology ang pamahalaan ng Amerika sa pederal na hukuman para ipatigil ang bagong panuntunan na nakatuon sa mga internasyonal na estudyante.
Sinabi sa indictment na ang naturang bagong panununtunan ay labag sa Administrative Procedure Law ng Amerika, at ipinalabas ito sa kondisyon ng walang anumang katwiran, walang pagsusuring pampubliko, at walang komprehensibong pagsasa-alang-alang
Kaugnay nito, ipinahayag sa social media Hulyo 8, 2020 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na kung hindi muling magsisimula ang mga klase sa mga paaralan ng Amerika, posibleng maputulan sila ng pondo.
Ayon sa anunsyo na ipinalabas Hulyo 6, 2020 ng U.S. Customs and Border Protection (CBP), para sa mga internasyonal na estudyante ng 2020 Fall Semester, kung mag-aaral sila gamit ang online classes lamang, hindi na sila bibigyan ng panibagong visa o kakanselahin ang kanilang kasalukuyang visa.
Salin:Sarah