Bilang tugon sa walang batayang bintang kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika sa Tsina sa mga isyung gaya ng sistemang pulitikal at pagharap sa COVID-19, sinabi sa Beijing nitong Huwebes, Hulyo 9, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang pananalita ni Pompeo ay lubos na nagbubunyag ng napakalalim na Cold War mentality, ideya ng zero-sum game, at pagkiling ng Amerika sa ideolohiya.
Ipinahayag ni Zhao na nitong ilang araw na nakalipas, walang tigil na niluluto ni Pompeo ang iba't-ibang uri ng "pekeng impormasyon" para puspusang siraan ang Tsina at sirain ang relasyon sa pagitan ng Tsina at mga ibang bansa. Pinapayuhan aniya ng panig Tsino sa panig Amerikano na iwasto ang kamalian nito para hindi siya maging katatawanan ng komunidad ng daigdig.
Salin: Lito