|
||||||||
|
||
Itatatag ng World Health Orgnization (WHO) ang isang nagsasariling grupo na ang tanging tungkulin ay suriin ang gawain ng paglaban sa pandaigdigang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na pamumunuan ng WHO. Ayon sa pagtaya, ilalabas sa Nobyembre ang inisyal na ulat.
Ipinahayag ito Hulyo 9, 2020, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng WHO. Sinabi rin niya na ang naturang grupo ay magkakasamang pamumunuan nina dating Punong Ministro Helen Elizabeth Clark ng New Zealand at Dating Pangulong Ellen Johnson-Sirleaf ng Liberia.
Ayon kay Tedros, tutulungan ng grupong ito ang komunidad ng daigdig upang maunawaan ang pangkalahatang kalagayan sa panahon ng pandemiya ng COVID-19, at kung paanong maiiwasan ang muling pagsiklab ng trahedyang tulad nito.
Sinabi ni Tedros na "Ang pinamalaking banta na kinakaharap namin ngayon ay hindi virus, pero ang kakulangan ng liderato at pagkakaisa sa antas ng daigdig." Sinabi pa niya na "Maaaring magtagumpay tayo sa paglaban sa COVID-19 kung magkaisa tayo."
Binigyan-diin ng WHO sa isang pahayag na itinatag ang grupong ito ayon sa isang resolusyong pinagtibay ng Ika-73 Kombensyon ng WHO. Ang layong ito ay paglalagom ng karanasan ng WHO at mga miyembro nito sa paglaban sa COVID-19.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |