Ipinadala ngayong araw, Sabado, ika-11 ng Hulyo 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Khaltmaa Battulga ng Mongolia, bilang pagbati sa Pambansang Araw ng bansang ito.
Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang matagal na pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Mongolia, lalung-lalo na sa panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag din ni Xi ang pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Mongolia. Umaasa aniya siyang tuluy-tuloy na mapapasulong ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai