Pagkaraang ipataw ng Kagawaran ng Estado at Tesorerya ng Amerika, batay sa internal na batas ng bansang ito, ang sangsyon laban sa isang departamento at apat na kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Ugyur ng Xinjiang ng Tsina, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-10 ng Hulyo 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isasagawa ng Tsina ang katulad na hakbangin laban sa mga ahensiya at opisyal ng Amerika na gumawa ng masama sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang.
Sinabi rin ni Zhao, na ang mga suliranin ng Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatan at posisyon ang Amerika para makialam sa mga ito. Dagdag niya, ang nabanggit na aksyon ng Amerika ay lumalabag sa saligang norma ng relasyong pandaigdig, at nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Liu Kai