|
||||||||
|
||
Nanawagan si Gates sa mga lider ng daigdig na gawin ang tumpak na desisyon sa usaping ito.
Iminungkahi rin niyang, tularan ang mga karanasan sa panggagamot ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), at buuin ang isang malaki at pantay na pandaigdig na sistema ng pamamahagi, para makarating sa bawat tao ang mga gamot at bakuna.
Sa kasalukuyan, may pagkabahala na ang mga mabisang gamot laban sa COVID-19 at mga gagawing bakuna laban sa virus na ito ay papakyawin lamang ng mga mayamang bansa, at walang matitira para sa mga bansang di-mayaman.
Habang tinututulan ng European Commission at World Health Organization ang mapanganib na kompetisyon sa pagkakaroon ng mga gamot at bakuna, ipinahayag naman ng ilang opisyal na Amerikano, ang paggigiit sa "America First" sa usaping ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |