Ipinatalastas ngayong araw, Lunes, ika-13 ng Hulyo 2020, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagpataw ng sangsyon laban sa isang organo at apat na opisyal ng Amerika, dahil sa paggawa nila ng masama sa isyu ng Xinjiang.
Ayon kay Hua, ang nabanggit na organo ay U.S. Congressional-Executive Commission on China, at ang apat na opisyal naman ay Ambassador-at-Large for International Religious Freedom na si Sam Brownback, dalawang senador na sina Marco Rubio at Ted Cruz, at isang mambabatas na si Chris Smith.
Sinabi rin ni Hua, na ang hakbanging ito ng Tsina ay bilang tugon sa pagpataw ng sangsyon ng Kagawaran ng Estado at Tesorerya ng Amerika, laban sa isang departamento at apat na kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Ugyur ng Xinjiang ng Tsina.
Salin: Liu Kai