Nitong Lunes, Hulyo 13, 2020 (local time sa Geneva), ipinahayag ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), kay Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na ang kalamidad ng baha sa Tsina ay nagdulot ng napakalaking kapinsalaan sa buhay at ari-arian ng mga mamamayang Tsino.
Ipinaabot ni António Guterres ang kanyang pakikiramay sa pamahalaan, mga mamamayan, at mga nabiktimang pamilya. Aniya, buong tatag niyang sinusuportahan ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa paglaban sa baha.
Salin: Lito