Ayon sa ulat ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, 13 katao ang naitalang bagong domestikong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) kahapon, Sabado, ika-18 ng Hulyo 2020, sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang.
Dahil dito, umabot sa 30 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa naturang rehiyong awtonomo nitong 4 na araw na nakalipas.
Samantala, para tulungan ang Xinjiang sa paglaban sa bagong nagaganap na epidemiya, ipinadala ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan sa rehiyong ito ang 10 nucleic acid test group, na binubuo ng mahigit 200 tauhang medikal.
Dala-dala nila ang mga kagamitan sa pagsusuri at iba pang materyal na medikal.
Salin: Liu Kai