|
||||||||
|
||
Ito ay binigyan ng positibong pagtasa ng mga dayuhang media at eksperto.
Pawang ipinahayag ng Wall Street Journal, Cable News Network (CNN), at Fox News Channel ng Amerika, na unang bumangon ang ekonomiya ng Tsina mula sa pandemiya.
Anila, dahil sa mga mabisang hakbanging isinasagawa ng Tsina sa paglaban sa COVID-19, mas mabilis na napapanumbalik ang kabuhayan nito kaysa ibang mga bansa.
Sinabi naman ni Andrey Ostrovski, ekonomista ng Institute of Far Eastern Studies sa Academy of Sciences ng Rusya, na ang malaking konsumpsyon sa pamilihang panloob ng Tsina at mahigpit nitong koneksyong pangkalakalan sa maraming bansa ng daigdig ay nagbibigay ng sigla sa pagpapanumbalik ng kabuhayang Tsino.
Ayon naman sa estadistika ng Institute for Economic Research ng Alemanya, mula noong Enero hanggang Mayo ng taong ito, 6.5 bilyong Euro ang halaga ng pagluluwas ng Alemanya sa Amerika, at ito ay bumaba ng 36.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Samantala, ang halaga naman ng pagluluwas ng Alemanya sa Tsina ay 7.2 bilyong Euro, na bumaba lamang ng 12.3%.
Anang instituto, kung magpapatuloy ang tunguhing ito, sa katapusan ng 2020, ang Tsina ang magiging pinakamalaking destinasyon ng pagluluwas ng Alemanya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |