Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

GDP ng Amerika sa ikalawang kuwarter ng 2020, tinatayang bababa ng 37% - IMF

(GMT+08:00) 2020-07-19 18:07:23       CRI
Ayon sa ulat na inilabas kamakalawa, Biyernes, ika-17 ng Hulyo 2020, ng International Monetary Fund (IMF), dahil sa epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), tinatayang bababa ng 37% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Amerika sa ikalawang kuwarter ng taong ito, kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

Samantala, ang GDP ng bansa sa buong 2020 ay tinatayang bababa rin ng 6.6%, dagdag ng IMF.

Ipinalalagay nitong dapat kontrolin ng pamahalaan ng Amerika ang tuluy-tuloy na paglaki ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, at maingat na isaalang-alang ang plano ng pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhayan.

Sinabi rin ng IMF, na sa panahon ng pandemiya, nakikita ang mga estruktural na depekto ng sistemang medikal ng Amerika, na gaya ng mataas na halaga ng mga serbisyong medikal, hindi pagsaklaw ng segurong medikal sa mga pamilyang mababa ang kita, at iba pa.

Namumukod din ang kawalang pagkakapantay-pantay sa lipunan ng Amerika, dahil sa sobrang laki ng negatibong epekto ng pandemiya sa mga maralitang mamamayan, dagdag pa ng IMF.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>