Itinatag ngayong araw, Lunes, ika-20 ng Hulyo 2020, sa Beijing, ang sentro ng pananaliksik ng ideyang diplomatiko ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pasinaya, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, batay sa hangarin ng pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, iniharap ni Pangulong Xi ang mga mungkahi at paninindigan, na gaya ng Belt and Road Initiative, komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa, at iba pa.
Ani Wang, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ideyang diplomatiko ni Pangulong Xi, gusto ng Tsina na dagdagan ang komong interes ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, at magbigay ng ambag sa pag-unlad ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai