Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, kinokondena ang kahilingan ng Amerika na isara ang Konsulada Heneral nito sa Houston

(GMT+08:00) 2020-07-22 18:14:36       CRI
Buong higpit na kinokondena ng Tsina ang kahilingan ng Amerika sa Tsina na isara ang Konsulada Heneral nito sa Houston, sa loob ng 72 oras simula Hulyo 21.

Winika ito ngayong araw, Miyerkules, ika-22 ng Hulyo 2020, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina. Dagdag niya, hinihimok ng Tsina ang Amerika na agarang bawiin ang kahilingang ito, at kung hindi, isasagawa ng Tsina ang mga ganting hakbang o countermeasure.

Sinabi rin ni Wang, na ang naturang maling aksyon ng Amerika ay probokasyong pampulitika sa Tsina. Lumalabag aniya ito sa pandaigdig na batas, mga saligang norma ng relasyong pandaigdig, at China-U.S. Consular Treaty.

Ito rin ay magpapalala ng tensyon sa pagitan ng Tsina at Amerika sa di-inaasahang lebel, diin ni Wang.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>