|
||||||||
|
||
Ang First Automotive Works (FAW) Group, na matatagpuan sa Changchun, lunsod ng lalawigang Jilin ng Tsina, ay itinayo noong 1953, bilang isa sa mga pinakamaagang pabrika ng sasakyan ng bansa.
Noong 1956, ginawa ng pabrikang ito ang unang sasakyan ng Tsina, na Jiefang truck. Noong 1958 naman, ginawa nito ang unang sasakyang pampasahero na may tatak na Dongfeng, at unang limousine na may tatak na Hongqi.
Sa kasalukuyan, ang FAW Group ay isa sa apat na pinakamalaking kompanyang gumagawa ng sasakyan sa Tsina. Ang product line nito ay sumasaklaw sa automobile; bus; light, medium, at heavy-duty trucks; at mga auto part
Kahapon ng hapon, Huwebes, ika-23 ng Hulyo 2020, bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa R&D headquarters ng FAW Group.
Sinabi ni Xi, na sa harap ng malakas na kompetisyon sa aspekto ng manupaktura, mahalaga ang pagkakaroon ng mga pangunahin at nukleong teknolohiya.
Binigyan niya ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng FAW Group at mga natamong bunga nito sa inobasyong panteknolohiya.
Iniharap din ni Xi ang kahilingan sa pagkakaroon ng malakas na tatak Tsinong sasakyan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |