Sa isang mataas na virtual meeting ng United Nations (UN) tungkol sa isyu ng klima at seguridad, ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na sa kasalukuyang daigdig, ang di-responsable at wala sa katinuang unilateralismo at hegemonya ng iilang bansa ay nagbubunsod ng palaki nang palaking pinsala.
Sinabi ni Zhang na kung pahihintulutan ang pagdebelop nito alinsunod sa kanyang sariling kagustuhan, ganap na mawawalan ang pandaigdigang batas, katarungan at pagtitiwalaang pandaigdig, at mawawalan ng katahimikan ang buong daigdig. Kaya, dapat aniyang magkaisa ang komunidad ng daigdig para puwersahang isagawa ang ganting-salakay sa mga ito.
Ipinagdiinan din niya na kahit ano ang pagbabago ng situwasyong pandaigdig, palagiang tumatayo ang Tsina sa panig ng multilateralismo at katarungang pandaigdig. Buong tatag nitong pinuproteksyunan ang kaayusang pandaigdig na may pundasyon ng pandaigdigang batas, at tinututulan ang hegemonya at power politics para maitatag kasama ng komunidad ng daigdig ang isang malinis at magandang daigdig na may pangmalayuang kapayapaan, unibersal na kaligtasan, at komong kasaganaan.
Salin: Lito