Sa isang bukas na liham kamakailan para kay Pangulong Donald Trump, pamahalaang pederal, at mga gobernador ng iba't ibang estado ng Amerika, nanawagan ang mahigit 150 ekspertong medikal na Amerikano na bigyang-priyoridad ang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at agarang itigil ang pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhayan.
Sinabi rin nilang, dapat ipaalam sa publiko ang tungkol sa totoong kalagayan ng COVID-19 sa loob ng Amerika.
Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 4.16 milyong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Amerika, at mahigit 146 na libo ang mga nasawi.
Kabilang dito, halos 67 libong kaso ang bagong naitala nitong nakalipas na 24 na oras.
Salin: Liu Kai