Binuksan nitong Martes, Hulyo 28, 2020 ang ika-5 taunang pulong ng Konseho ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sa kanyang talumpati sa pulong sa pamamagitan ng video link, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa mula't mula pa'y kinakatigan at isinasagawa ng kaniyang bansa ang multilateralismo, at hinahanap, kasama ng iba't ibang bansa sa daigdig, ang kaunlaran, batay sa bukas at kooperatibong diwa na may win-win results.
Patuloy na magpupunyagi ang Tsina, kasama ng iba't ibang kasapi, para suportahan at kompletuhin ang AIIB, at gawin ang mas malaking ambag para sa pagharap ng komunidad ng daigdig sa mga panganib at hamon, at pagsasakatuparan ng komong kaunlaran, dagdag ni Xi.
Salin: Vera