Isinapubliko kahapon, Biyernes, ika-31 ng Hulyo 2020, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina, ang pagpapaliban ng halalan ng Legislative Council ng HKSAR, dahil sa lumalalang kalagayan ng Coronavirus Disease 2019 sa lugar na ito.
Nakatakda sanang idaos ang naturang halalan sa ika-6 ng Setyembre ng taong ito, at ang bagong iskedyul ay ika-5 ng Setyembre 2021.
Sinabi ni Lam, na ang desisyong ito ay angkop sa Emergency Regulations Ordinance ng Hong Kong. Ito aniya ay para igarantiya ang pagdaraos ng bukas at patas na halalan, at pangalagaan ang kaligtasan ng mga botante, kandidato, at trabahador sa mga istasyon ng pagboto at pagbilang.
Di masyadong malala ang kalagayan ng COVID-19 sa Hong Kong mula noong kalagitnaan ng nagdaang Abril hanggang huling dako ng Hunyo. Pero, lumalala ang epidemiya sapul noong Hulyo 5. Nitong nakalipas na 10 araw, lumampas sa 100 ang araw-araw na naitalang bagong kumpirmadong kaso.
Salin: Liu Kai