Ipinahayag ng pamahalaang sentral ng Tsina ang pagsuporta sa pagpapaliban ng halalan ng Legislative Council ng Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), dahil sa lumalalang kalagayan ng Coronavirus Disease 2019 sa Hong Kong.
Ang desisyon ng pagpapaliban ng halalan ay ipinaalam kahapon, Biyernes, ika-31 ng Hulyo 2020, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng HKSAR. Nauna rito, isinumite na sa pamahalaang sentral ang proposal tungkol dito.
Kaugnay nito, sinabi ng pamahalaang sentral na ang naturang desisyon ay alinsunod sa batas, at ito rin ay angkop sa kapakanan ng publiko at aktuwal na kalagayan sa Hong Kong.
Ipinahayag din ng pamahalaang sentral ang lubos na pagsubaybay sa bagong round ng grabeng kalagayan ng COVID-19 sa Hong Kong. Anito, ipagkakaloob ang lahat ng kinakailangang pagsuporta at pagtulong sa Hong Kong, para makontrol ang epidemiya.
Salin: Liu Kai