Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-31 ng Hulyo 2020, ng Fitch Ratings, isang global credit rating agency, na binaba nito ang economic outlook ng Amerika sa "negatibo" mula sa pagiging "matatag." Samantala, ang overall rating ng bansa ay nananatiling nasa pinakamataas na lebel na "AAA."
Ayon sa Fitch Ratings, ang pagbaba ay dahil sa tuluy-tuloy na paglala sa pampublikong pananalapi ng Amerika, at kawalan ng pamahalaang Amerikano ng isang mapagkakatiwalaang plano tungkol sa pagpapabuti ng pananalapi sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin: Liu Kai