|
||||||||
|
||
Ikinababalisa ng mga media at ekspertong medikal ang lumalalang kalagayan ng COVID-19 sa Amerika.
Sinabi ng pahayagang Washington Post, na ang mahigit 1,400 nasawi sa loob ng isang araw ay nangangahulugan ng halos isa ang nasasawi kada isang minuto.
Ayon naman sa Cable News Network (CNN), ipinalalagay ni Ashish Jha, Faculty Director ng Harvard Global Health Institute, na hindi kayang lutasin ng Amerika ang epidemiya, at ang mas nakakalungkot ay hindi pagbibigay-priyoridad ng pamahalaan sa pag-iwas ng pagkamatay.
Sinabi naman ng mga eksperto sa Johns Hopkins University, na dapat muling isaalang-alang ng Amerika ang mga ginawa sa harap ng COVID-19, at nangangailangan ng "reset" ang mga patakaran ng pamahalaang pederal at mga pamahalaang lokal laban sa epidemiya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |